ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Transport leader sa Davao City, patay sa pamamaril; pagtakas ng gunman, nakunan sa cctv


Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang mga suspek sa pagpatay sa isang transport leader sa Davao City nitong Martes. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News, sinabing paalis na ng bahay ang biktimang si Antonio Ortega Pitalcorin nang lapitan ng suspek at pagbabarilin. Nakunan naman sa CCTV camera ang pagtakas ng suspek sakay ng isang naghihintay na motorsiklo. Naniniwala ang kaanak ng biktima na may kaugnayan sa pagiging lider ng transport group ang pagpatay sa biktima.   Ito rin umano ang tinitingnan anggulo ng pulisya dahil noong nakaraang Pebrero ay isang kasamahan din ni Pitalcorin sa transport group ang pinaslang. -- FRJ, GMA News

Tags: davaocrime