ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Resort sa Leyte, may hiwalay na CR para sa mga bading


Guhit o larawan ng isang tila lalaki na nakasombrero pero may bulaklak sa gilid. Ito ang napiling signage ng isang resort sa Southern Leyte para sa  palikuran ng kanilang mga bisitang bading.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, sinabing usap-usapan sa Macharon, Southern Leyte ang nasabing resort dahil sa palikuran para sa mga bading na mayroon pang sariling signage.

Minsan ng may nagmungkahi na magkaroon ng hiwalay na palikuran para sa mga bakla at tomboy sa mga establisimyento dahil sa nararanasan umanong diskriminasyon sa mga ito kapag pumapasok sa palikuran na para sa mga babae at lalaki.



Pero bukod sa palikuran para sa mga bading, tampok din sa resort ang isang "honesty" store.

Walang tindera na nagbabatay sa tindahan kaya ang kostumer ang siyang kukuha ng kanyang bibilhing produkto, at magbabayad at kukuha ng kanyang sukli. -- FRJ, GMA News