ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang 12 oras ng 'high-tech search' sa nawawalang 2 piloto ng PAF, bigo


Walang napala ang unang 12 oras na paghahahanap sa dalawang piloto ng bumagsak na OV-10 plane ng Philippine Air Force na sinimulan noong Huwebes gamit ang remotely operated vehicle (ROV).

Sinabi ni Brig. Gen. Conrado Parra Jr., commander of the Philippine Air Force's 570th Composite Tactical Wing, na commander din ng Task Force Bronco, muli umanong sasabak sila sa operasyon ngayong araw ng Biyernes, ayon sa ulat ni James Viernes ng dzBB-Palawan.

Inaasahan umanong magkakaroon ng positibong resulta sa paghahanap hanggang bukas, huling araw ng pagpapagamit ng Shell Philippines ng kanilang service ship para sa isinasagawang search and rescue operation.

Bumagsak ang OV-10 Bronco bomber ng PAF noong June 23 sa karagatan ng Palawan habang nasa night-training flight ang dalawang piloto nito.

Ang dalawa ay kinilalang sina Maj. Jonathan Ybanez at 1Lt. Abner Nacion. — RC /LBG, GMA News