Mga monopolyo sa negosyo, tututukan ng Senado
Tututukan ng Senado lahat ng uri ng monopolyo para mapangalagaan ang pang-aabuso sa consumers sa pagbubukas ng 16th Congress sa Hulyo 22, 2013.
Ito'y kasunod sa nabunyag na umano'y pagpapasa ng aabot P15-bilyong income taxes, gastos para sa mga regalo, bulaklak, biyahe, entertainment at iba pang gastusin sa consumers ng dalawang pribadong concessionaires ng tubig.
"We will investigate that once the Senate resumes. I intend to keep a watchful eye on all monopolies that, given their market dominance, have a natural tendency to abuse and take advantage of their consumers," ayo kay Senador Francis Escudero sa kaniyang press statement noong Biyernes.
Sinabi ng Water for the People Network (WPN), isang non-government organization (NGO), na ipinapasa ang mga gastusin sa consumers ng Maynilad Water Services Inc. and Manila Water Company mula 2008 hanggang 2012.
Ayon sa senador, naging natural monopoly na ang water concession mula nang hayaan itong mag-presyo dahil sa kawalan ng kumpetisyon.
"We can't just leave monopolies on their own device and allow them to steadily earn while we consumers carry the burden," giit pa nito.
Una nang sinabi ni Sen. Ralph G. Recto na paiimbestigahan niya ang pang-aabuso ng nasabing mga kumpanya.
Tinawag niya ang mga ginagawa ng mga ito “immoral” at “unethical” at hindi nagpapakita corporate principles ng tunay na negosyante.
“Corporate responsibilities such as tax payments could not be relegated to a proxy, especially when the designated and unsuspecting proxy is the water consumer,” diin pa ni Recto. — Linda Bohol /LBG, GMA News