ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ginang, nasawi matapos mahulog sa ilog ang sinasakyang multi-cab sa Iloilo City


Isang ginang ang nasawi, habang nakaligtas naman ang kanyang mister matapos mahulog sa ilog ang sinasakyan nilang multi-cab sa Iloilo City. Sa ulat ni Jennifer Muneza ng GMA-Iloilo sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, kinilala ang ang nasawi na si Lovely Joan Lacandaso. Nakaligtas naman ang kanyang mister na si Jimmy, na siyang nagmamaneho ng multi-cab na nahulog sa malalim na ilog. Mabilis namang nakaresponde ang pulisya at Iloilo Emergency Responder at nasagip ang lalaki. Pero inabot ng may isang oras bago nakuha ang nasawing ginang na nakulong sa loob ng sasakyan. Inaalam pa ng mga awtoridad kung papaano nahulog ang sasakayan sa ilog. Pero puna ng ilang residente, walang harang na nakalagay sa naturang bahagi ng kalsada na diretso sa ilog. Napag-alaman naman na sinundo lamang ng mister ang kanyang misis nang maganap ang aksidente. -- FRJ, GMA News

Tags: drowning