3 matataas na puwesto sa Senado 'puno' na? Drilon ayaw magsalita
Ayaw kumpimahin ng "big man" sa Senado ang ulat na "filled-up" na ang tatlong matataas na posisyon sa Senado sa pagbubukas ng 16th Congress sa Hulyo 22, 2013, at siya ng Senate President.
Sa weekly forum sa Senado, iginiit ni Sen. Franklin Drilon na ayaw niyang pangunahan ang kapwa niya mga mambabatas, at sinabi niyang matulog na muna [siya] ng mahimbing sa natitirang tatlong gabi.
Umugong ang report nitong linggo na si Sen. Ralph Recto ang magiging Senate President Pro-tempore, si Sen. Alan Peter Cayetano sa Senate majority floor leader at si dating Senate President Juan Ponce Enrile ang Senate majority floor leader.
“It came out in the media. Let it remain that way,” ani Drilon dahil pinagbobotohan aniya ng chamber ang nasabing mga posisyon sa Senado.
Matagal nang napabalitang si Drilon, kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino, ang magiging Senate President, subali’t tila walang nagtangkang tapatan siya sa posisyon.
“I confirm that no one has expressed interest in the senate presidency post from among my collegues. Nevertheless, I will wait until July 22, 2013 before making any formal announcement on the Senate Presidency,” giit pa ng senador.
Samantala, una nang sinabi nina Sen. Manuel Villar at Ferdinand "Bongbong" Marcos na wala pang tiyak na senate president at marami pang pwedeng mangyari hanggang sa Hulyo 22.
Kinumpirma din ni Drilon na hindi pa plansado ang hatian ng mga committee chairmanships at magkakaroon pa sila ng pagpupulong upang ayusin dahil may preferences ang kapwa niya mga senador.
Aniya, bibigyan din ng committee chairmanships ang oposisyon pero depende ay bibigayan ng committee chairmanships bagamat depende umano kung ito ay tatanggapin.
Sa darating na Lunes, si acting Senate President Jinggoy Estrada ang pormal na magbubukas ng sesyon, susundan ng pagbasa ng Comelec resolution kaugnay ng mga nanalong senador sa nakaraang halalan, roll call at ang pinaka-hihintay na halalan ng bagong mga opisyal ng Senado. — Linda Bohol /LBG, GMA News