ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae, biglang tumalon sa tulay ng Bulaong sa CamSur


Nagkagulo ang ilang residente sa Libmanan, Camarines Sur nang may isang babae ang bigla namang tumalon sa ilog mula sa Bulaong bridge nitong Linggo. Kuwento ng ilang mangingisdang nakakita sa insidente, bigla na lamang nagpatihulog sa tulay ang babae na hindi kaagad nakilala dahil magmula ito sa ibang lugar. Kaagad na kumilos ang mga nakakita sa insidente upang maiahon sa ilog ang babae at isinugod sa Libmanan district hospital.  Sa ospital, nakilala ang babae na si Mary Joy Toraldo, residente ng Tabagong, Libmanan.  Sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, sinabi kay Supt.  Romeo Pillonar, OIC ng Libmanan police, na idinahilan ni Toraldo na nais lang naman talaga niyang maligo sa ilog. -- Michael Biando/FRJ, GMA News

Tags: drowning