ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isa na namang pasahero, nanganak sa estasyon ng LRT sa Maynila


Nagsilang ng sanggol na lalaki ang isang pasahero sa estasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa Maynila nitong Miyerkules ng umaga.   Ayon kay LRT Authority spokesman Hernando Cabrera, naganap ang panganganak bandang 9:40 ng umaga sa LRT-1 Blumentritt station.   "Mukhang inabot sa platform. Lumabas siya ng train," ayon sa opisyal sa panayam ng dzBB radio.   Ayon kay Cabrera, idinala sa malapit na ospital ang babae.   Dagdag niya, sinusuri pa nila ang impormasyon kung patungo sana ng Fabella Hospital ang ina upang doon sana manganak.   "Usually 'yan papuntang Fabella. Nang niluwal ang bata dinala siya sa pinakamalapit (na ospital)," aniya.   Noong Mayo 22, may isang pasahero rin ang nanganak sa northbound LRT-1 coach sa Maynila.   Sa panahong iyon, sinabi ni Cabrera na ipinanganak ang sanggol na lalaki bandang 6:25 ng umaga sa loob ng tren habang paparating sa Doroteo Jose station sa Maynila.   Ayon kay Cabrera, plano ng babaeng magtungo sa Fabella Hospital kung saan siya nakatakdang manganak.   Sinabi ni Cabrera na 14 na sanggol na ang isinilang sa LRT Line 1 mula pa noong 2000. - Mandy Fernandez/FRJ, GMA News

Tags: lrt, mrt