ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pambihira at pinakamahal na seashell sa mundo na makikita sa Pilipinas
Alam niyo ba na tinatayang 12,000 ang species ng mga seashell ang matatagpuan sa Pilipinas? At isa sa mga ito ay itinuturing pambihira at pinakamahal na seashell sa buong mundo. Ang Conus Gloriamaris na tinatawag ding "Glory of the Sea" ang itinuturing pinakamahal at pinakapambihirang uri ng seashell sa mundo na makikita sa Pilipinas. Ang Conus Gloriamaris ay hugis pahaba na nagtataglay ng iba't ibang kulay na umaabot sa 10 sentimetro ang haba. Dahil sa taglay na kagandahan at mahirap matagpuan, isa ito sa mga paboritong kolektahin ng mga seashell collector. Narito naman ang listahan ng seashell species na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kunin at i-export. -- FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular