#AgostoSerye: Hihirit ka pa? Ang banatero bilang bagong makata
BANAT 1, mula kay YouScooper @OurDailyTxt
Parang ako si De Lima, at si Napoles ka. Kasi, hinahanap-hanap kita!
BANAT 2, mula kay YouScooper @Mshgdelapena:
Barya ka ba? Kasi umaga pa lang kailangan na kita.
BANAT 3, mula kay YouScooper @ederic:
Sana China ka na lang! Para angkinin mo na rin ako.
Ilan lamang ito sa mga banat o ihirit na ibinahagi ng ating mga YouScoopers sa Twitter. Pero alam niyo ba na ang mga banat o hirit ay nakabatay sa Kulturang Pinoy?
Ayon kay Propesor Ramil Correa, ikalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila, ang mga hirit o banat ay isang “makabagong pamamaraang ng pagiging isang makata.”
Bahagi na umano ng Kulturang Pilipino ang pagiging malikhain sa pagsasalita kaya naman hindi nakapagtataka na sa makabagong panahon ay patuloy pa rin ang ating pagsasalita gamit ang mga tayutay o figures of speech.
“Ang mga Pilipino gumamit ng mg simbolo, pahiwatig o katimpian para ipahayag ‘yung mga bagay,” ani Correa.
Dagdag pa nito, bukod sa magandang ehersisyo sa pagiging malikhain, maganda rin umano ang paghirit sapagkat isa ito sa mga paraan kung paano nagkakaroon ng mga bagong salita.
“Ang hirit o banat tulad ng mga bugtong ay lumilitaw talaga sa isang partikular na panahon,” aniya.
Ilan pang banat ng ating mga YouScooper: