ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-asawa, patay sa pananaga sa Cam Sur; suspek, nadakip habang kumakain


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang mag-asawa ang namatay matapos silang pagtatagain ng kanilang kaibigan habang nasa kanilang bahay sa Camarines Sur. Tumakas ang suspek matapos ang krimen pero naaresto rin matapos isuplong ng isang kamag-anak. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Sabado, sinabing naganap ang krimen sa Bula, Camarines Sur. Nasawi dahil sa tinamong mga taga sa katawan ang mag-asawang Isidro at Emelina Damiano. Sugatan din ang isa nilang anak na tumulong sa pag-awat sa nagwalang suspek na si Rolando Flor. Sa imbestigasyon, lumitaw na nag-uusap ang magkaibigang Rolando at Isidro bago maganap ang krimen. Sa hindi malamang dahilan, biglang nagwala ang suspek at tinaga sa leeg ang kaibigan, at sunod na inatake ang mag-ina bago tumakas. Sa tulong naman ng isang kaanak, nahuli ng mga awtoridad si Rolando sa pinagtaguan nitong bahay habang kumakain. Inamin nito ang kasalanan at isinuko ang itak na ginamit sa pananaga. Paliwanag nito, nagdilim ang kaniyang isip sa ginagawang paninisi sa kanya ng kaibigan. -- FRJ, GMA News

Tags: bicolcrime