ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Binatilyo, binugbog umano para piliting sumali sa fraternity sa Pagadian City
Isang Grade 8 pupil sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang binugbog para pilitin umanong sumali sa isang fraternity. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, ikinuwento ng kaibigan ng 13-anyos na biktima na nagtungo sila kasama ang ilan pang kaibigan sa lugar ng mga suspek para isumbong ang kanilang mga nakaaway. Pero bigla umanong piniringan ng mga suspek ang biktima, pinagpapalo ng kahoy, sinuntok at pinagsasampal. Ang naturang insidente ay ipinaalam umano ng ina ng biktima sa pamunuan ng paaralan. Inamin naman ng mga suspek ang ginawang pananakit, ayon pa sa ulat. Inihayag naman ng punong-guro ng paaralan, na iniimbestigahan nila ang pangyayari at iginiit na ipinagbabawal sa paaralan ang fraternity. -- FRJ, GMA News
Tags: fraternity, CDO
More Videos
Most Popular