ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lolo ng mga bundok


Sa tindig na 9,692 talampakan, bagay nga na bansagan 'Grandfather of Philippine Mountains' ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mount Apo. Taong 1880 nang unang akyatin ng grupo ni Don Joaquin Rajal ang Mt. Apo o “Sandawa" sa mga ninuno mula sa lalawigan ng Davao. Ang bundok na ito ay kabilang sa mga paboritong akyatin ng mga mountain climbers. Mayo 1936 nang ideklara ni Pangulong Manuel Quezon na national park ang Mt. Apo dahil sa dami ng halaman at ibon na makikita rito. Itinuturing semi-active volcano ang bundok na pinagkukunan din ng geothermal energy.-GMANews.TV