ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bagong wind farm, itatayo sa Ilocos Norte para pagkunan ng kuryente


Magtatayo ng panibagong wind farm sa Ilocos Norte na binubuo ng may 30 wind turbines para pagkunan ng kuryente. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing itatayo ang 30 wind turbines sa barangay Caparispisan sa Pagudpod, Ilocos Norte. Basahin: Windmill power plant, itatayo sa Pangasinan Tinatayang aabot umano sa $200 milyon o mahigit P11 bilyon ang halaga ng proyekto. Ayon sa Department of Energy, ang mga itatayong wind turbines ay kayang gumawa ng 81 megawatts na suplay ng kuryente. Ito na ang ikatlong wind farm project sa Ilocos Norte. Ang wind farm sa bayan ng Bangui, kabilang sa mga atraksiyon sa turismo ng lalawigan. -- FRJ, GMA News    

Tags: windmill, ilocos