ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilog sa ilalim ng lupa


Idineklarang World Heritage Site ang St. Paul Subterranean River na makikita sa Palawan. At ito ay itinuturing pinakamahabang underground river sa mundo na puwedeng puntahan ng tao. Ang subterranean river na ito ay bahagi ng National Park na Saint Paul Mountain Range, 50 kilometero ang layo sa siyudad ng Puerto Princesa, Palawan. Mula 1992, ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansang parke na ito na idineklra ng UNESCO bilang Word Heritage Site noong Disyembre 1999. Makikita sa loob ng underground river ang ibat-ibang porma at desenyo ng stalagmites at stalactites. May habang 8.2 kilomentro ang maaaring lakbayin sa ilog na ang bukana ay kanugnog ng South China sea.-GMANews.TV