Papaano nalikha ang Metro Manila?
Alam niyo ba na nalikha ang Metropolitan Manila o National Capitol Region sa pamamagitan ng isang Presidential Decree na ipinalabas noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kinabibilangan ng apat na lungsod at 13 munisipalidad.
Matapos ang referendum noong Pebrero 1975 kung saan namayani ang boto ng mga residente sa "Greater Manila Area" para sa pagtatatag ng Metro Manila, nilagdaan ni Marcos ang Presidential Decree No. 824 noong Nobyembre 1975 para itatag ang Metropolitan Manila at ang mamamahala rito na Metropolitan Manila Commission (MMC).
Sakop ng MM o NCR ang noo'y apat pa lamang na lungsod na Maynila, Quezon, Pasay at Caloocan, at ang mga noo'y munisipalidad na Makati, Mandaluyong, San Juan, Las Piñas, Malabon, Navotas, Pasig, Pateros, Parañaque, Marikina, Muntinlupa, Taguig, at Valenzuela.
Bago masaklaw ng MM, ang Taguig ay dating sakop ng lalawigan ng Rizal, habang ang Valenzuela ay sakop noong ng Bulacan.
Kasabay ng pagbuo ng MMC, hinirang ni Marcos ang kaniyang asawa at noo'y First Lady na si Imelda Marcos bilang kauna-unahang gobernador ng MM o NCR, na nilaanan sa ilalim ng nabanggit na batas ng taunang sahod na P60,000. -- FRJ, GMA News