ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng pinagkamalan daw bakla, binastos at binugbog ng lalaki sa Pangasinan


Dinakip at ikinulong ang isang lalaki na umano'y lasing matapos ireklamo ng pambabastos at pananakit sa isang estudyanteng babae na pinipilit niyang isang bakla sa Alaminos, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabing naghihintay lang ng masasakyan ang biktima nang lapitan ng lasing na suspek at ipagpilitan na bakla ito.



Para mapatunayan na babae ang biktima, hinamon umano ng suspek na ipakita ng babae ang maselang bahagi ng kaniyang katawan. Bagay na tinanggihan ng biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang babae at namaga ang mukha dahil sa pananakit ng suspek.

Mahaharap ang lalaki sa kasong physical injuries at violence against women. -- FRJ, GMA News