ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Earthquake survivor na 14 na araw sa guho bago nailigtas


Alam niyo ba na itinuturing himala ang pagkakaligtas sa isang lalaki na 14 na araw na nasa ilalim ng gumuhong hotel sa Baguio City bago siya nasagip matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Luzon noong 1990.

Hapon ng July 16, 1990 nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Luzon na matinding nakapinsala sa maraming lugar kabilang na ang "Summer Capital of the Philippine" na Baguio City.

Sa lakas ng lindol, maraming gusali ang gumuho, kabilang na ang sikat at matayog na Hyatt Terraces Hotel sa Baguio. Dito ay maraming buhay ang nawala.

Mayroon ding ilan na nailigtas kabilang na si Pedrito Dy, nagtatrabaho bilang cook at fitness instructor sa hotel.  Nakuha siya sa ilalim ng guho pagkaraan ng 14 na araw.

Ayon kay Dy, nabuhay siya sa pamamagitan ng pag-inom sa sariling ihi at anumang tubig na pumapatak sa kanilang kinalalagyan.

Si Dy ang pinakahuling survivor na nakuha sa hotel. Ngunit bago nito, nailigtas din sina Luisa Mallorca at Arnel Calabia na tumagal ng 11 na araw sa guho. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia