ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ginto, nakukuha umano sa Abra river


Dinadayo ng ilang residente ng La Paz, Abra ang Abra River sa bahagi ng Banguet ngunit hindi para maligo o manghuli ng isda, kung hindi para magmina ng ginto.

Sa ulat ni Brigitte Mayor ng GMA-Ilocos sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nanggaling sa mga bundok na nakapaligid sa ilog ang nakukuhang maliliit na piraso ng ginto.

 
Sa ganitong panahon umano madaling makahanap ng ginto sa ilog dahil mababa lang ang level ng tubig.
 
Nakukuha ang maliliit na piraso ng ginto sa pamamagitan ng pagsala sa pinong buhagin ng ilog.
 
Inihayag naman ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na hindi ipinagbabawal ang pagkuha ng ginto sa ilog basta hindi gagamit ng kemikal ang mga naghahanap ng ginto. -- FRJ, GMA News

Tags: goldmine, gold