ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalawang bata, patay sa sunog sa Makati


Dalawang mga bata ang napatay sa sunog na tumama sa isang residential area sa Makati City nitong madaling araw ng Linggo.

Natagpuan ang mga labi ng mga bata na may edad na 6 at 4 at may apelyidong Arriola nitong Linggo ng umaga matapos naapula ang apoy, ayon sa ulat ng radio dzBB nitong Linggo ng tanghali.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, umalis ang kanilang ama, Manuel Arriola, mula sa kanilang tirahan upang pumuntang palengke bago magsimula ang sunog bandang 12:05 a.m. ng Linggo.

Ayon sa mga naunang ulat, mayroong dalawang taong sugatan mula sa sunog sa Barangay Cembo.

Agad na kumalat ang sunog dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa mga magaang materyales.

Umabot sa 2,000 pamilya ang apektado sa sunog, na umabot sa general alarm bago ito naapula bandang 3 ng madaling araw.

Ayon sa ulat, hindi agad na napaalam ang ina ng dalawang mga bata tungkol sa sunog dahil nasa Cavite siya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News