ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ang huling kabisera ng Espanya sa Pilipinas
Alam niyo ba kung saan o anong lungsod sa Western Visayas ang naging huling kabisera o kapitolyo ng mananakop na Espanya na kanilang isinuko sa mga rebolusyonaryong Pinoy na naganap noong 1898?
Ang Iloilo City ang naging huling kapitolyo at huling teritoryo ng Espanya na kanilang isinuko sa puwersa ng mga Pilipinong rebolusyonaryo na pinamunuan ni Heneral Martin Delgado.
Naganap ang pagsuko sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, 1898, sa Plaza Libertad, na ipinangalan din noon sa hari ng Espanya bilang Plaza Alfonso XIII.
Noong 1996, idineklarang historical site ng National Historical Institute ang Plaza Libertad dahil sa naging kontribusyon nito sa kalayaan at kasaysayan ng Pilipinas. -- FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular