ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dambuhalang perlas, makikita ngayon sa Boracay


Isang malaking perlas ang agaw-pansin ngayon sa Boracay na tinatayang may timbang na siyam na kilo na puwedeng panlaban sa world record.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi umano ng may-ari ng perlas na pinatunayan ng isang Gemological Institute sa Singapore na tunay ang kaniyang perlas.

Natagpuan umano nila ang perlas sa Palawan at dalawang dekada na itong nasa kanila.



Naka-display ang perlas ngayon sa isang oceanarium sa Boracay.

Balak pa raw itong suriin nang mabuti at saka ipapadala ang resulta sa Guiness Book of World Records para opisyal na kilalanin bilang pinaka-malaking perlas sa mundo.

Sa ngayon, ang "Pearl of Allah" na nasa Amerika ang may hawak ng titulo sa bigat na mahigit anim na kilo. -- FRJ, GMA News
 

Tags: pear, perlas, boracay