ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Selective retake ng nursing exam igigiit ng DOLE


Susundin ng Department of Labor and Employment ang rekomendasyon ng Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS) ng selective retake kahit na inirekomenda ng American Nurses Association (ANA) ang full retake sa umanoy tainted nursing examination noong June 2006. Ipinahayag ni Secretary Arturo Brion na Tests 3 at 5 lamang ang uulitin dahil ito ang ipinag-utos ng Malakanyang sa pamamagitan ng isang Executive Order. Ang DOLE ang naatasang mamamahala sa selective retake. “We are sticking it out with Tests 3 and 5," Brion told reporters. “I suspect that the American Nurses Association would have a lot of influence on hiring but before the hiring, let us first solve our problem of getting our June 2006 nurses the CGFNS VisaScreen certificate." Pero nilinaw ni Brion na hindi naman umano binabalewala ang rekomendasyon ng ANA. Aniya, pag-uusapan pa ng DOLE, Philippine Regulation Commission (PRC) at iba pang stakeholders ang pinakamabuting paraan na maaring magawa ukol sa iminumungkahi ng ANA. Ang ANA ay may 2.9 milyong registered nurse na kinabibilangan ng 54 nurses association sa Amerika. Dahil dito, malaki umano ang impluwensya ng asosasyon sa pagpapasok ng nurses sa mga ospital at ilan pang mga private healthcare institutions sa America. Dahil sa mungkahi ng ANA, umalma na naman ang nursing graduates na kasali sa kontrobersiyal na exam at ibinunton ang sisi sa PRC. Ayon sa Binuklod na Samahan (isang organisasyon ng mga nurses) at sa League of Concerned Nurses (LCN), sapat na sanang solusyon ang retake ng tests 3 and 5 kung hindi lmang na-mishandle ng PRC ang problema. –Fernando de la Cruz/GMANews.tv