ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dalagitang magsisimba, sapul sa tama ng sumpak sa CDO


Sa halip na sa simbahan magpunta, sa ospital isinugod ang isang dalagita matapos siyang tamaan ng ligaw na bala ng sumpak sa Cagayan de Oro City nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabing dakong 10:00 p.m. nang lumabas ng bahay si Flordeliza Pacquiao para magsimba.

Pero sa kasamaang palad, natiyempo naman ang banggaan ng magkalabang grupo sa kanilang lugar at may nagpaputok ng sumpak at nahagip ang mga binti ng biktima.



Ilang bolitas na bala sa sumpak ang bumaon sa binti ni Pacquiao pero hindi naman naging malubha ang kaniyang kalagayan.

Nais ng ina ng biktima na ipasagot sa nakabaril sa kaniyang anak ang gastusin sa pagpapagamot nito.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa sa mga sangkot sa kaguluhan at nakasugat kay Pacquiao. -- FRJ, GMA News