ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahagi ng ninakaw na imahe ng Santo Niño sa Pampanga, natagpuan na


Natagpuan na ang ilang bahagi ng antigong imahen ng Santo Niño na 300 taon na sa isang simbahan at ninakaw sa Guagua, Pampanga.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing narekober ang ulo, kamay at paa ng imahen sa tulong ng isang antique collector.  Pero nawawala pa rin ang katawan ng imahen.



Ang Sto. Niño ay bahagi ng imahen ng Nuestra Senyora dela Consolacion de Correa na nakalagak sa simbahan sa Betis sa Guagua.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw sa naturang imahen.

Ibabalik umano sa parokya sa Guagua ang imahen sa mismong kapistahan ng Santo Nino sa susunod na linggo. -- FRJ, GMA News

Tags: stoniño