ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ilang puno ng saging sa Mangaldan, Pangasinan, 'nabuntis'
Pinagkaguluhan ng mga residente sa Mangaldan, Pangasinan ang ilang puno ng saging sa lugar na tinatawag nilang "buntis."
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing ang bunga ng saging na sa halip na nasa labas ay nasa loob ng trunk o katawan ng puno.
Manghang-mangha umano ang mga residente sa pangyayari dahil ngayon lang daw sila nakakita ng saging na sa loob ng katawan ng puno namumunga.
Paliwanag naman ng isang eksperto, maaaring resulta daw ng cross pollination ang nangyari sa mga saging.
Ligtas naman daw kainin ang mga bunga ng saging. -- FRJ, GMA News
Tags: banana, pangasinan
More Videos
Most Popular