Ang unang Pambansang Awit
Sinasabing ang âMarangal na Dalit ng Katagalugan" na nilikha ni Julio Nakpil ang unang naging pambansang awit ng Pilipinas bago ang âLupang Hinirang." Ang âMarangal na Dalit.." na gawa ng katipunero at kompositor na si Nakpil ang sinasabing ginamit na pambansang awit ng Katipunan na pinangunahan ni Andres Bonifacio sa nakikipaglaban sa mga Kastila. Binago ang titulo ng âMarangal na Dalitâ¦" sa âHimno Nacional," ngunit hindi ito ginamit nang ideklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang independensiya ng Pilipinas. Sa halip, ipinagawa ni Aguinaldo kay Julian Felipe ang tugtuging âMarcha Filipina Magdalo" noong 1898. Pinalitan din ang pangalan nito sa âMarcha Nacional Filipina" hanggang sa malapatan ng liriko ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899. Nagkaroon pa ng ilang ulit na pagsasalin ang pambasang awit mula sa lirikong Kastila at English hanggang sa maging Pangulo si Ramon Magsaysay at ipinag-utos niya na isalin ang pambasang awit sa wiking Filipino na nakilala na bilang âLupang Hinirang."-GMANews.TV