ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Laoag City, tumaas


Tumaas ng hanggang P1 bawat kilo ang presyo ng mga commercial rice sa ilang pamilihan sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing nanatili naman sa P27 bawat kada kilo ang NFA (National Food Authority) rice.



Ayon sa mga nagtitinda, napilitan silang magtaas ng presyo dahil mahal din ang dumarating na bigas mula sa mga supplier, na bunga raw ng mahal na presyo ng palay.

Pero ayon sa NFA, normal ang pagtaas ng presyo ng commercial rice dahil hindi panahon ng anihan. Ngunit nilinaw ng ahensya na walang kakulangan sa suplay ng bigas. -- FRJ, GMA News

Tags: ricecartel