Framework Agreement on the Bangsamoro, suportado ng Senado
Ikinagalak ng Senado ang paglagda ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front sa ikaapat at panghuling annex para sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Ayon kay Senate Pres. Franklin Drilon, ito na ang tutuldok sa apat na dekadang kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Pinatunayan lamang aniya nito na bagama’t may mga pagkakaiba tayong mga Filipino, nagkakaisa tayo sa hangad na kapayapaan, pagkapantay-pantay at pagkakaisa bilang isang bansa.
“The cessation of using arms and violence is... the most vital step in the comprehensive peace agreement process,” ayon kay Drilon.
“This peace agreement is not only for Mindanao but for the entire country. Mindanao comprises 1/3 of the Philippines. If we are successful in achieving a just and lasting peace in Mindanao, then we will emerge as a stronger, more united and therefore more competitive nation,” saad naman ni Sen. Koko Pimentel.
Isinagawa ang maksaysayang paglagda sa pinakahuling sangkap ng Bangsamoro Framework Agreement noong Sabado sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Itinuturing na pinaka-kritikal na bahagi ang pinakahuling bahagi ng Annex on Normalization dahil nakasaad dito ang pagbaba ng armas at pagbuwag sa mga private armies ng Bangsamoro. — Linda Bohol /LBG, GMA News