ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

182 bilanggo sa Leyte provincial jail, tumakas; pero 148, nadakip na


Aabot sa 182 bilanggo ang nakatakas sa provincial jail ng Leyte nitong Huwebes ng madaling-araw.
 
Ayon kay Philippine National Police spokesman Senior Superintendent Wilben Mayor, patuloy pa ang paghahanap sa 34 na bilanggo matapos na maibalik na sa kulungan ang 148.

Ang nabanggit na kulungan ay nasa bayan ng Palo, isa sa mga bayan na matinding sinalanta ng bagyong "Yolanda."
 
Idinahilan umano ng mga preso na tumakas sila sa kulungan dahil sa pagkagutom, ayon sa ulat ng dzBB radio.

Sa hiwalay na ulat ng Visayas-based Bombo Radyo, sinabing patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa dahilan ng pagtakas ng mga bilanggo. — FRJ, GMA News