ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Saan makikita ang pinakamaliit na lawa sa Pilipinas?


Alam niyo ba na hindi sa lalawigan kung hindi sa isang lungsod sa Metro Manila matatagpuan ang itinuturing pinakamaliit na lawa sa Pilipinas?

Ang lawa ng Laguna o Laguna lake ang kinikilalang pinakamalaking lawa sa Pilipinas na umaabot sa Laguna, Rizal at bahagi ng Metro Manila.

Habang sinasabing pinakamaliit na lawa ang Jamboree lake na makikita sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) compound sa Muntinlupa City.

Sa bisa ng City Ordinance No. 99-020 ng lungsod, idineklara ang Jamboree lake bilang historical site.

Maaaring mag-picnic, mamingwit at mag-bird watching ang mga taong papasyal at nais mag-relax sa natatanging tanawin na ito sa Muntinlupa. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia