ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Estudyanteng kalahok sa palarong boksing, naospital matapos tamaan sa ulo sa sparring


Isang 13-anyos na estudyante sa Antique na sasabak sa Regional Athletic Meet ng Department of Education (DepEd) ang naospital matapos tamaan ng suntok sa ulo habang naghahanda sa lalahukang palaro na boxing.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, sinabing nakikipag-sparring ang mag-aaral bilang paghahanda sa kompetisyon sa Linggo.



Pero tinamaan umano ang kaliwang bahagi ng ulo ng mag-aaral na dahilan para siya mahilo at magsuka.

Kaagad na isinugod sa ospital ang bata at sa ngayon ay mabuti na umano ang lagay.

Ayon sa division sports coordinator ng DepEd-Antique, aksidente ang nangyari at nagbigay na rin umano sila ng tulong para sa pagpapagamot ng biktima.

Nitong nakaraang Disyembre, pumanaw matapos ma-comatose ang 16-anyos na si Jonas Joshua Garcia, fourth year high school student mula sa San Miguel, Bulacan, na sumabak sa boksing sa palarong inorganisa ng DepEd-Zambales. -- FRJ, GMA News