ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Taong may sense of humor o yung may good looks, alin ang mas gusto mo?
Sa isang survey ng ginawa ng Social Weather Station (SWS), lumitaw na 90 porsiyento ng kanilang tinanong ang pinili ang taong 'di kagandahan o kagwapuhan pero kaya silang patawanan, kaysa sa maganda o pogi pero 'di naman sila kayang pasayahin.
Sa naturang survey na ginawa noong Disyembre 11-16, 2013, tinanong sa survey ang 1,550 adults respondent ng: "Alin sa dalawang pangungusap na ito ang mas pipiliin mo?, "Isang lalaki/babae na pangit pero napapatawa ka o may sense of humor o, "Isang lalaki/babae na gwapo/maganda pero walang sense of humor?."

Mula sa Social Weather Station
Sa naturang survey, lumitaw na 90 porsiyento sa mga tinanong ang umayon sa unang pangungusap, habang 10 porsiyento lang ang pumili sa ikalawang pangungusap.
Lumitaw sa survey na mas mataas ang bilang ng mga nasa class D at E, o masa ang pumili sa sense of humor kaysa good looks. Habang mas angat naman sa class ABC ang naghahanap ng good looks kaysa sense of humor.
Nakasaad sa survey na mas gusto ng babae ang lalaking may sense of humor kahit 'di pogi, habang ang mga lalaki, mas hanap ang babae na maganda kahit 'di sila kayang patawanin.

Mula sa Social Weather Station
"Ninety-four percent of women chose sense of humor over good looks, slightly higher compared to 86% among men," nakasaad na inilabas na pahayag ng SWS. "Those who chose good looks over sense of humor was 13% among men, two times higher than 6% among women."
Mas marami rin sa mga nakapagtapos ng pag-aaral ang pumili sa mga may itsura kaysa mga nakakatawa. -- FRJ, GMA News
Tags: talakayan
More Videos
Most Popular