ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mula sa Bicol ang unang Obispo ng Pilipinas


Taong 1906 nang mahirang ang unang Obispo ng Pilipinas sa katauhan ni Jorge Barlin na isinilang sa Baao, Camarines Sur. Sinasabing ang sikat na Spanish Bishop na si Francisco Gainza ang nakatuklas sa talento ni Barlin kaya inilagay niya ito sa kanyang kalinga at gabay. Inilarawan si Barlin na simple at mapagpakumba. Nagsimula sa pagiging capellan de solio at majordomo sa Cathedral of Nueva Caceres; kasunod ay missionary-curate sa mahirap na lugar ng mga mangingisda sa Siruma, Camarines Sur; naging pari sa Libog, Albay; bago natalagang Vicar Forane ng Sorsogon at parish priest sa kapitolyo nito. Inalok din si Barlin na mamuno sa Philippine Independent Church noong 1902 ngunit kanyang tinanggihan. Hunyo 20, 1906 nang opisyal na hiranging obispo si Barlin para maging unang Filipino at posibleng una mula sa Malay race na naging obispo. Bilang unang Filipino bishop, inimbitahan siya na magtalumpati sa inaugural session ng Philippine Assembly noong Oktubre 1907.-GMANews.TV