ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Anong mga bagay ang dapat na ideklarang pambansang simbolo?


Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong ipadeklarang pambansang simbolo ang ilang bagay. Kabilang na rito ang paboritong ulam ng mga Pinoy na "adobo," bilang pambansang pagkain.

Sa House Bill No. 3926 o “Philippine National Symbols Act of 2014, na iniakda ni Bohol Rep. Rene Relampagos, tagapangulo ng ng House Committee on Tourism,  ang iba pang bagay na ipinapadeklara niyang pambasang simbolo ng bansa ay ang:
 
Bakya - pambasang tsinelas
Bahay kubo - pambansang bahay
Jeepney - pambansang sasakyan
Kantang Bayan Ko - pambasang awitin
at Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa -- bilang pambansang motto.  

Paliwanag ni Relampagos sa paghahain ng panukalang batas:  “National symbols represent its country, its people, its history and its culture.  In the Philippines, there are around twenty national symbols being taught in school.  However, of these symbols, only ten are official, that is with basis either in the Constitution, Republic Acts and Proclamations.”

Dahil sa kawalan ng kaukulang batas na sumusuporta sa ilang bagay o tao na kinikilalang pambansang simbolo, sinabi na Relampagos na mistulang "kolorum" ang pagkilala sa mga ito.

Ilan lamang umano sa maituturing kulorum na pambansang simbolo ay:

Si Dr. Jose] Rizal -- unofficial national hero
Kalabaw -- unofficial national animal
Mangga - unofficial national fruit
Bangus - unofficial fish,
Baro’t saya - unofficial national costume.

Basahin: 'Rizal is not our official national hero' and other facts about PHL's national symbols

Iginiit ni Relampagos, na mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang mga simbolo para palaganapin at panatilihin sa isipan ng mga mamamayan ang kanilang pagiging makabayan at pagkakaisa.

Ang iba pang nakapaloob sa panukala ni Relampagos na ipadedeklarang pambansang simbolo ay:

Arnis -- pambansang martial arts and sport
Cariñosa -- pambansang sayaw
Philippine monkey-eating eagle -- pambansang ibon
Narra - pambansang puno
Sampaguita - pambansang bulaklak
Anahaw - pambansang dahon
Mangga-pambansang prutas
Lupang Hinirang - national anthem
Filipino - pambansang salita, at
Jose Rizal - pambansang bayani.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na gumawa ng kaukulang hakbang para sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga pambansang simbolo. -- RP/FRJ, GMA News

Tags: talakayan