ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Malalaking minahan, walang habas sa pag-abuso sa batas —grupo
Malayang sumusuway sa batas ang mga malalaking kumpanya sa pagmimina sa bansa dahil hindi sila napaparusahan sa kanilang ginagawang paglabag sa batas sa pagmimina, ayon sa grupong Alyansa Tigil Mina (ATM).
Dahil dito, nagtitipon-tipon nitong Miyerkules sa harap ng mga tanggapan ng Philex, Nickel Asia, Sagittarius Mines at Barrick Gold ang ATM, kasama ang daan-daang mga taga-suporta ng grupo, upang tuligsain ang umano'y walang pakundangang paglabag ng dambuhalang mining firms sa mga batas ng bansa.

Anti-mining groups stage protest action on Wednesday, March 12, 2014, in front of the office of Sagittarius Mines Inc. in Makati City to call for justice for all victims of the mining firm's "injustices." The SMI operates the Tampakan Copper-Gold Project in South Cotabato and is being accused of acts of injustice against indigenous peoples, particularly the B'laan tribe. ATM Photo
Ayon sa ATM, isang koalisyon ng mahigit 100 organisasyon at bahagi sa kampanyang TAO MUNA, HINDI MINA, ang mga kumpanyang ito, batay sa karanasan ng mga apektadong komunidad at ayon na rin sa mga pag-aaral, inuubos ng mga ito ang miniral reserves ng bansa at wala silang pakialam sa kapaligiran at sa mga mamamayan.
"Marcopper, Philex, Nickel Asia, Sagittarius Mines and Barrick Gold mining corporations are linked to and responsible for tragedies, repression and violence in the areas where they operate. For 19 years under the Mining Act of 1995, we have witnessed outbreaks of violent attacks in mining affected communities in many mining-affected communities in Marinduque, Benguet, South Cotabato and Eastern Samar," ayon kay Jaybee Garganera, ATM National Coordinator.
"The government has done little to investigate and prosecute those responsible. Not only did these mining companies damage the environment but they also violate people’s human rights. Community leaders have been threatened. Trumped up criminal charges ('criminalization of human rights defenders') have been laid against a number of community leaders," dagdag pa niya.
“In the case of Marcopper, Marinduqueños are convinced the case we filed against Placer Dome Inc. (now Barrick Gold) at a US court on October 4, 2005, is probably the last major chance to seek justice. For 30 years, they have operated in the island with seeming impunity, as to have damaged the Calancan Bay with mine tailings.” ayon naman kay Beth Manggol, Marinduque Council for Environmental Concerns (MaCEC).
Samantala, tumagas mula sa tailing pond ng Philex's Padcal ang aabot sa 20-milyon metriko toneladang nakakalasong mine waste noong Agusto 2012.
Natapos ang rehabilitasyon ng tailing pond nitong buwan ngunit walang paglilinis na isinagawa sa nalasong Balog at Agno River; at hindi rin binayaran ang napinsalang mga komunidad.
Hindi kasama sa P1 bilyong pisong ipinagmula ng Philex ang kabayaran para sa downstream communities ng NAPOCOR.
Ngunit, ayon naman sa ulat ng Philex noong Disyembre 2013, nilinis ng kumpanya ang mga hahagi ng Balog at Agno River na naapektuhan ng tailing spill.
Sagittarius Mines
Samantala, ayon kay Garganera: “Sagittarius Mines' mining investment in South Cotabato continue to cause injustice in indigenous peoples communities. Due to the Tampakan Copper-Gold Project, community leaders and their families have been murdered and more of them are threatened by the militarization in the area."
Aniya, isinailalim sa militarisasyon ang Tampakan at mga kalapit na mga komunidad dito.
Noong ika-18 ng Oktubre, 2012, pinaslang ang isang ina mula sa tribung B'laan na si Juvy Capion at dalawa ng kanyang mga anak na sina John art Jordan ng mga tauhan ng 27th Philippine Army Infantry Battalion. Ang insidente ay tinatawag na “operational lapses" umano.
Ang pagpaslang sa mga Capion ay iniuugnay sa pagtutol ng komunidad ng B'laan at pagkilos upang protektahan ang kanilang minanang lupain sa Tampakan laban sa Sagittarius Mines Inc.-Xstrata-Glencore na nagmimina sa mga hangganan ng Tampakan, South Cotabato at Davao del Sur.
Ang Nickel Asia na nagmamay-ari ng maraming kumpanya sa pagmimina sa bansa, katulad ng sa Eastern Samar, Southern Palawan, at sa CARAGA Region, ay nagdudulot ng malaking sakuna sa buhay ng mamamayan na nakatira kung saan nagmimina ang Nickel Asia at pagkasira ng kalikasan, ayon sa ATM.
Ang Nickel Asia na isa sa mga pribadong kumpanya na kasama sa pagsasagawa ng rehabilitasyon na apektado ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar ay mariing tinutulan ng ATM.
"While these mining companies make a big profit from the country's resources, majority of Filipinos continue to live in poverty with no schools, no hospitals and other entitlements. This situation cannot be allowed to continue,” dagdag Garganera.
Idinadaos ng ATM ang “Mining Hell Week” – mula Marso 10 hanggang Marso 14, 2014 – upang ilantad ang mga trahedya at mga negatibong epekto sa kalikasan at mga komunidad ng pagmimina sa ilalim ng RA 7942. Ito rin ay upang maiparating sa gobyerno at sa Kongreso ang agarang pagbabasura sa Mining Act of 1995 at pagsasabatas ng Alternative Minerals Management Bill (AMMB). — Jerbert Briola /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular