ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Graduating student, patay matapos tamaan ng kidlat sa habang nasa laot
Isang graduating high school student ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa habang nasa laot sa Lagonoy, Camarines Sur. Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Martes, ikinuwento ng magulang ng 13-anyos na biktima na sumama ang kanilang anak sa isang grupo ng mga mangingisda. Habang nasa laot, biglang umanong nagdilim ang paligid at sinundan ng pagkidlat, na tumama sa bangkang sinasakyan ng biktima. Apat pa niyang kasama sa bangka ang nasugatan din. Naitakbo pa sa ospital ang binatilyo pero idineklara siyang dead on arrival. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular