ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng nawala raw sa pag-iisip, pumatay ng 2 bata; suspek, napatay din


Isang babae na dumadanas daw ng depresyon ang sinasabing pumatay ng dalawang bata sa Cauayan, Negros Occidental. Ang dalawang biktima ay sanggol na isang-taong-gulang pa lang, at ang sariling anak ng suspek.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing ilang araw na raw hindi kumakain ang suspek na si Perlita Sagmon, 36-anyos.

Nakararanas daw ito ng depresyon dahil sa problema sa pamilya.



Ayon sa ina ng sanggol na biktima, biglang sumugod sa kanilang bahay si Sagmon, at basta na lang pinagsasaksak ang sanggol at pinugutan.

Sa galit naman ng ama ng biktima, napatay nito si Sagmon.

Natuklasan din na pinatay rin pala ng suspek ang sarili nitong anak na bata.

Sumuko sa pulisya ang ama na nakapatay sa suspek pero wala raw balak magdemanda ang asawa ni Sagmon dahil naunawaan nito ang ginawa ng lalaki. -- FRJ, GMA News

Tags: crimeiloilo