ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pangulo ng bansa na inatake sa puso at pumanaw matapos magtalumpati
Kilala niyo ba kung sino ang pangulo ng bansa na pumanaw dahil sa atake sa puso makaraang magbigay ng kaniyang talumpati sa mga opisyal na dumalo sa dating base militar ng Amerika sa Clark Air Force base sa Pampanga?Umaga noong Abril 15, 1948 nang magbigay ng kaniyang talumpati para sa United States 13th Air Force base sa Clark, Pampanga ang noo'y lider ng bansa na si Pangulong Manuel Roxas. Ang pagdalo niya sa pagtitipon ay mula sa imbitasyon ni Major General E.L. Eubank kaugnay sa ginagawang rehabilitasyon ng dating base militar ng Amerika na napinsala ng digmaan.
Ngunit matapos ang kaniyang talumpati, nakaramdam ng pagkahilo si Roxas kaya pinagpahinga sa tinutuluyan ni Eubank sa Clark. Pero kinagabihan din ng nabanggit na araw ay binawian siya ng buhay.
Sa biglaang pagpanaw ni Roxas, nanumpa bilang Pangulo ng bansa ang noo'y bise presidente niya na si Elpidio Quirino.
Bilang pag-alaala kay Roxas, isang marker ang inilagay sa naturang dating base militar ng Amerika. Ilang kalsada rin ang ipinangalan sa namayapang pangulo tulad ng Roxas Boulevard. -- FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrvia
More Videos
Most Popular