Ang ‘yoyo’ na laruan ngayon, sandata noon
Maraming espekulasyon kung saan nagmula ang sikat na laruang âyoyo.â Pero kasama sa mga kuwentong ito ang paliwanag na ang paboritong laruan natin ngayon ay sandata ng mga mangangasong Pinoy noon. Sinasabing noong 16th century ay gamit na ang mga mangangaso o hunter sa mga kagubatan sa Pilipinas ang yoyo. Pero hindi pa pabilog ang itsura ng yoyo noon. Bagkos ang mala-yoyo na santada ng mga hunters ay isang matigas na bagay tulad ng bato na may tali na ipinupukol sa kanilang target. Noong 1920, dinala ng Pinoy na si Pedro Flores ang yoyo idinesenyo na bilang laruan sa United States. Nakita ng negoyanteng Amerikano na si Donald F. Duncan Sr., ang potensiyal ng yoyo kaya binili niya kay Flores ang patent ng yoyo maging ang pangalan ng kompanya ng Pinoy noong 1929.-GMANews.TV