ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

FDA, nagpayo sa paggamit ng sunscreen products ngayong summer


Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na suriing mabuti ang expiry date ng bibilhing sunscreen products lalo na ngayong summer season na inaasahang marami ang gagamit para sa kanilang pamamasyal.

"Remember that not all sunscreens have the same ingredients. Choose a product that suits your skin. Be aware of the expiration date because some sunscreen ingredients might degrade over time," saad sa pahayag ng ahensiya.

Dapat din umanong basahing mabuti ang label at sundin ang nakalagay sa instruction gaya ng gaano karami ang dapat na ilagay lang sa katawan. Bukod pa rito ang instruction kung kailan dapat ilagay sa katawan ang produkto at kailan o gaano kadalas ang muling pagpapahid o re-application.

Nanawagan din ang FDA sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila sa pamamagitan ng pag-email (report@fda.gov.ph) kapag may masamang epekto sa kanilang balat ang inilagay na sunscreen.

Creams or gels?

Payo pa ng FDA, mas makabubuting gamitin ang sunscreen creams sa mukha at dry skin, habang makabubuti naman ang sunscreen gels sa bahagi ng katawan na may balahibo.

Mabuti naman ang water-resistant sunscreen products sa mga magsu-swimming o pawising tao.

"Regardless of which sunscreen preparation you choose, be sure to apply it generously to achieve full UV ray protection," ayon sa FDA.

Ipinaalala naman ng ahensiya na sensitibo ang balat ng mga sanggol kaya dapat ilayo ang mga ito sa sikat ng araw. Hindi rin nararapat na lagyan ng sunscreen ang sanggol lalo na kung anim na buwan pa lamang pababa ang edad.

"Allow them to drink plenty of fluid. Babies have sensitive skin compared to adults and applying sunscreen preparation to less than 6-month old babies should be avoided. When applied to older babies, apply sunscreens only to skin not covered by clothing and never apply them around the eyes," payo pa ng ahensiya.

Upang maiwasan ang overexposure sa init ng araw, nagbigay din ng ilang praktikal na payo ang FDA:

- magsuot ng protective clothing gaya long-sleeved shirt, pants, hat o sunglasses
- iwasan ang direct exposure sa sunlight mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.
- maghanap ng masisilungan o gumamit ng payong.  — FRJ, GMA News
Tags: summer2014