ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 babae, nalunod sa beach ng Leganes, Iloilo; 2 pa nilang kasama, nailigtas


Nauwi sa trahediya ang masaya sanang outing ng isang pamilya nang nalunod sa dagat ang dalawang babaeng magpinsan sa Leganes, Iloilo.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing nailigtas naman ang dalawa pa nilang kasama, at nagpapagaling na ngayon sa ospital.

Nasa edad 17 hanggang 21 ang nasawing magpinsan.

Ayon sa pulisya, hindi namalayan ng magpinsan na napunta sila sa malalim na bahagi ng dagat.



May lifeguard naman daw ang beach resort na tumulong sa pag-rescue sa mga biktima. Tumulong din ang coast guard pero hindi na naisalba pa ang mga biktima.

Nauwi rin sa trahedya ang outing ng isang pamilya sa Narvacan, Ilocos Sur nang nalunod din sa dagat ang padre-de-familia na si Eugenio Barcena.

Sinasabing lango sa alak ang biktima nang magtungo ito sa dagat.

Isang lalaki rin umano na nakainom din ng alak ang nasawi sa pagkalunod sa bayan naman ng Santiago sa nabanggit na lalawigan. -- FRJ, GMA News