ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Jinkee, nanganak sa bunso nila ni Manny Pacquiao
Ipinanganak ngayong araw ng Linggo ang panglimang anak nina Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao at pambansang kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao.
“@gmanews: .@MannyPacquiao (in yellow) looks at new son Israel inside the incubator. | via @markzambrano pic.twitter.com/rnQB75w7qY”
— Tina PanganibanPerez (@tinapperez) April 27, 2014
Pinangalanan ang sanggol na "Israel" na ipinanganak sa pamamagitan ng caesarian section. May timbang itong 8.2 pounds.
Bago isinailalim sa caesarean section si Jinkee, nagdasal muna sila si Manny.
Manny & Jinkee Pacquiao say a prayer together before heading to the operating room | via @markzambrano pic.twitter.com/nEiLnG0GeR
— GMA News (@gmanews) April 27, 2014
Hinalikan din si Jinkee ng dalawa niyang anak na babae na si Princess and Queenie bago operahan.
Emmanuel Jr. "Jimuel" at Michael ang panganay at pangalawang anak ng mag-asawang Paquiao. — Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News
Tags: jinkeepacquiao, mannypacquiao
More Videos
Most Popular