ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bagong silang na sanggol, nakita sa isang multicab; pusod nito, 'di pa napuputol
Isang bagong silang na sanggol na babae ang natagpuan sa loob ng isang multicab sa Cagayan de Oro City ng mga naglalakad na residente na nakarinig sa kaniyang pag-iyak.
Sa ulat ni Kaye Mercado ng GMA-Northern Mindanao sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, sinabing hindi pa napuputol ang pusod ng sanggol nang matagpuan sa multicab na nakaparada sa Zone 1, Upper Balulang.
Kaagad na dinala sa ospital ang bata at nang masuri ay lumitaw na malusog naman ang kaniyang kondisyon.
Hindi pa malaman kung sino ang nag-iwan sa sanggol sa multicab pero kasalukuyang inaalagan ang bata sa City Social Welfare Development Office. -- FRJ, GMA News
Tags: cagayandeorocity, babyborninlrt
More Videos
Most Popular