Nagrebelde ang unang 'Filipino'
Filipino ang tawag sa nasyonalidad ng isang tao na isinilang at naninirahan sa Pilipinas. Pero ang unang tao sa Pilipinas na nagpakilalang Filipino ay hindi naman talaga dugong Pinoy. Unang nagkaroon ng politikal na kahulugan ang salitang Filipino nang magpakilala ang makatang si Luis Rodriguez Valera, bilang El Conde Filipino noong 18th century. Kasama si Valera sa grupo ng mga may dugong Mexican-Spaniard na ipinanganak at nanirahan sa Pilipinas, na naghimaksik noon laban sa mga Kastila na tinawag na âCreoles" revolution taong 1821. Sa artikulong âProclama Historial" na isinulat ni Varela, ipinakilala niya ang sarili na "el conde Filipino." Naging hudyat ito para ang katagang Filipino ay maging taguri na sa lahat ng mga taong isinilang at nanirahan sa Pilipinas.-GMANews.TV