ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamaliit na isda sa mundo, unti-unti na raw na nawawala sa Lake Buhi, CamSur


Gumagawa ngayon ng hakbang ang lokal na pamahalaan upang maisalba ang nauubos na isdang "sinarapan" na mahuhuli sa Lake Buhi sa Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News TVs "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing paunti na nang paunti ang sinarapan na kinikilalang pinakamaliit na isda sa mundo na matatagpuan sa Pilipinas.



Pinipilit daw ngayong muling maparami ang naturang isda sa lawa.

Isinisi ng alkalde sa lugar ang pagbaba ng bilang ng mga isda sa maling gawain ng mga tao at sa dumadaming fish cages sa lake Buhi.

Kaya bilang solusyon, kinokontrol na umano ng mga awtoridad ang pagtatayo ng mga baklad sa lawa. -- FRJ, GMA News