ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
DA: 44 na lalawigan, 2 lungsod sa Mindanao, lantad sa epekto ng El Niño
Tinukoy ng Department of Agriculture ang 44 na lalawigan at dalawang lungsod na sinasabing lantad sa epekto ng weather phenomenon na El Niño na magdudulot ng matinding tagtuyot sa darating na mga buwan.
Sa ulat ng MindaNews report, tinukoy ng DA ang mga lugar na "highly vulnerable" sa El Niño ang:
- Sarangani,
- Misamis Oriental
- South Cotabato
- Ilocos Sur,
- Ilocos Norte,
- La Union,
- Pangasinan,
- Cagayan,
- Aurora,
- Bataan,
- Bulacan,
- Nueva Ecija,
- Pampanga,
- Tarlac,
- Zambales,
- Cavite,
- Rizal,
- Occidental Mindoro,
- Palawan,
- Capiz,
- Iloilo,
- Negros Occidental,
- at Zamboanga City.
- Zamboanga del Sur,
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga Sibugay,
- Bukidnon,
- Davao Oriental,
- Abra,
- Apayao,
- Benguet,
- Ifugao,
- Mountain Province,
- Isabela,
- Nueva Vizcaya,
- Quirino,
- Batangas,
- Laguna,
- Quezon,
- Romblon,
- Sorsogon,
- Aklan,
- Antique,
- Bohol,
- Samar,
- and Davao City.
Ipinaliwanag na naglabas ng listahan ang DA “for purposes of monitoring and crafting of possible interventions.”
Inihayag naman ng mga lokal na opisyal sa Bukidnon na plano nilang makipag-ugnayan sa mga opisyal ng agrikultura para talakayin ang mga hakbang na maaaring gawin para mabawasan ang epekto ng matinding tagtuyot sa kanilang lugar.
Batay sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa, nasa 60 hanggang 70 porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng El Niño ngayon taon. Ito ay ang matinding init na nagaganap sa ibabaw ng karagatan sa Pasipiko.
Bukod sa epekto sa mga pananim bunga ng kakulangan ng pag-ulan, may banta rin na maging dahilan ng mas malalakas na bagyo ang nasabing phenomenon.
Ang Bureau of Soils and Water Management ng DA, nakompleto na umano ang 28 cloud-seeding trips sa mga drought-affected areas sa Isabela, Nueva Vizcaya at iba pang lugar sa Cagayan Valley. —FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular