ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sino si 'Miranda' sa makasaysayang Plaza Miranda?


Kapag sinabing lugar ng malayang pagpapahayag at pagtitipon, tiyak na kasamang papasok sa isipan ng marami ang Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila. Pero sino nga ba si Miranda na pinagmulan ng pangalan ng nabanggit na plaza?

Naging bahagi ng kasaysayan ng bansa ang Plaza Miranda dahil sa mga mahahalagang pangyayari na naganap rito. Sa panahon ng eleksiyon, dito ginagawa ang mga proklamasyon at miting de avance ng mga partido pulitikal.

Gaya na lang ng madugong meeting de avance na ginawa ng Liberal Party noong 1971 kung saan hinagisan ng granada ang entablado na nagresulta sa pagkamatay ng ilang dumalo sa pagtitipon at malubhang pagkakasugat ng ilang prominenteng politiko tulad ni dating Senate President Jovito Salonga.

Sinabing ang Plaza Miranda ay ipinangalan kay Jose Sandino y Miranda, na nagsilbing Secretary of the Treasury sa pagitan ng 1833 hanggang 1854. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia