ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bulkang Mayon, masusing binabantayan matapos nagkaroon ng crater glow
Mahigpit na binabantayan ngayon ng Phivolcs ang bulkang Mayon matapos umanong kakitaan ng crater glow ang bunganga nito.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing kumakalat sa social media ang litrato na makikita ang pagliwanag ng bunganga ng bulkan nitong Linggo.
Inaalam na ng Phivolcs ang detalye sa naturang crater glow.
Sa ngayon, nakataas ang alert level one sa bulkang dahil sa paglakas ng pagbuga ng makapal na usok mula sa crater nito.
Inaabisuhan din ang publiko na umiwas sa itinalagang 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan. -- FRJ, GMA News
Tags: mayon
More Videos
Most Popular