ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagoda, maglalayag muli sa ilog ng Bocaue matapos ang trahediya noong 1993


Muling maglalayag ngayong taon ang tradisyunal na pagoda sa ilog ng Bocaue, Bulacan. Dalawamput-isang taon na ang nakararaanan nang maganap ang pagoda tragedy na ikinasawi ng 275 katao.

Nitong Miyerkules, pinasinayaan na ang bagong pagoda ng Poong Santa Cruz sa ilog ng baranggay Poblacion, Bocaue na gagamitin sa darating na kapistahan sa Hulyo 6.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing nagsagawa ng mga pagbabago sa sistema ng pagoda para hindi na maulit ang nangyaring trahediya noong 1993.



Bukod sa limitado na ang mga sasakay sa pagoda at inaalalayan na ito ng maliliit na bangka, mayroon na ring mga life vest na nakalaan sa mga sasakay sa pagoda.

Isinisisi noon ang trahedya sa overcrowding at depektibong pagkakagawa ng pagoda. Dahil sa takot ng mga tao nang masira ang bangka, nagkagulo ang mga tao habang isinasagawa ng prusisyon sa ilog .

Ayon kay Ruben Mercado, pangulo ng kapistahan, nais nilang pasiglahin ang negosyo sa kanilang bayan na nanamlay umano muna nang maganap ang trahedya.

Ang pagbabalik ng kanilang tradisyon ay sa kahilingan na rin umano mismo ng kanilang mga kababayan. -- FRJ, GMA News

Tags: pagoda, fiesta